DepEd - Division of Dapitan City Logo
Home › Media › Division News › Dibisyon ng Dapitan City, Humataw sa Galaw Pilipinas

Dibisyon ng Dapitan City, Humataw sa Galaw Pilipinas
August 23, 2022| by: Ricky D. Arances

Photo courtesy of Edgardo Jamilar, Jr.

 

Dapitan City – Gumawa ng isang makasaysayang tala ang mga guro at empleyadong kalahok ng Dibisyon ng Dapitan City sa katatapos na isinagawang Galaw Pilipinas nitong ika-19 ng Agosto, 2022.

Sa tulong ng mga Information Technology Officer ng iba’t ibang dibisyon gamit ang makabagong teknolohiya, isinayaw ng sabay-sabay sa kaparehong oras ng mga kalahok sa buong Zamboanga Peninsula ang Galaw Pilipinas kung saan tampok ang mga guro at empleyado ng Deped mula Dibisyon ng Dapitan City, Dipolog City, Isabela City, Pagadian City, Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga Del Sur.

Dito sa Dibisyon ng Dapitan City, sumabay sa tugtog ng Galaw Pilipinas ang mga guro at ibang empleyadong kalahok mula sa Distrito ng Taguilon, Distrito ng Baylimango, Distrito ng Barcelona, Distrito ng Potongan, Distrito ng Sulangon, at Distrito ng Sentral ng Dapitan.

Ayon kay Ginoong Germanico Malacat, Education Program Supervisor ng MAPEH, tagumpay ang isinagawang Galaw Pilipinas sa buong rehiyon sa tulong na rin ng mga  guro at empleyado ng Deped lalong-lalo na sa Dibisyon ng Dapitan City kung saan hindi umatras sa mga ginawang pag-ensayo mula pa sa simula. Inilunsad ang Galaw Pilipinas base sa Deped Order Number ____ na kung saan ang tanging layunin nito ay maisulong ang aktibong pamumuhay ng bawat Pilipino.

Nagpasalamat din si Ginoong Malacat sa mga School-IT coordinators ng Dapitan City sa tulong teknikal na ibinigay ng mga ito habang inilunsad ng sabay-sabay ang Galaw Pilipinas.

Ang Galaw Pilipinas ay isang apat na minutong calisthenics na gawain na hango sa mga simpleng hakbang at sa mga katutubong sayaw ng Pilipinas, mga galaw ng pagdiriwang, at mga paninindigan ng arnis bilang pagkilala bilang pambansang martial art at isport.

Samantala, masaya naman si Ginoong Felix Romy A. Triambulo, Schools Division Superintendent ng Dapitan City sa mga guro at empleyado na lumahok sa isinagawang Galaw Pilipinas 2022.

Tags: Galaw Pilipinas   
Share